HINDI lang ganda at talino ang hinahangaan kay Miss Universe 2018 Catriona Gray kundi ang kanyang mga advocacies, na malapit sa puso niya.

Catriona copy

During her homecoming visit, na hindi siya kinakitaan ng kapaguran kahit sunud-sunod ang kanyang schedule, dinalaw ni Catriona ang dalawang organization na kanyang sinusuportahan, ang Love Yourself for HIV/AIDS awareness, at Smile Train para sa mga underprivileged children.

Nag-courtesy visit din siya kay PLDT Chairman-CEO Manny V. Pangilinan who expressed renewed commitment to PLDT’s partnership with Binibining Pilipinas Charities, Inc. at Miss Universe Organization. Sinusuportahan ng PLDT ang iba’t ibang events, especially ang BB. Pilipinas pageant.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“We are one with the nation in celebrating Catriona’s victory. Her resounding success proves what we’ve always known that Filipinos are truly world class,” sabi ni MVP.

-Remy Umerez