Mga Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
12:00 n.h. -- St.Clare College-Virtual Reality vs Chelu Bar and Grill
2:00 n.h. -- UST vs Cignal-Ateneo
4:00 n.h. -- Family Mart Enderun vs Go-for-Gold-CSB
UNAHANG makapagtala ng ikatlong sunod na panalo ang mga UAAP squads University of Santo Tomas at Cignal-Ateneo and University of Santo Tomas sa pagtutuos nila sa hapong ito sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Ganap na 2:00 ng hapon ang tapatan ng dalawang koponan para sa ikalawang laro ng nakatakdang triple header.
Lalaro na para sa Ateneo si Thirdy Ravena makaraang maglaro para sa Gilas Pilipinas sa nakaraang 6th window ng 2019 Fiba World Cup Asian qualifiers.
Inaasahang makakatuwang si Ravena nina Matt Nieto, Isaac Go, at Ivorian center Ange Kouame na siyang namuno sa Blue Eagles sa nakaraan nilang dalawang panalo, pinakahuli noong Pebrero 25 kontra Family Mart-Enderun sa iskor na 88-65.
Para kay coach Tab Baldwin, ang paglahok sa torneo ay isang tsansa para sa kanila upang makita ang kakayahan ng kanilang mga manlalaro na makipagtapatan sa iba’t-ibang koponan.
“This is more just pure competition than a real team performance for our guys. We get to observe how our players compete. We can work on a lot of individual talents against these teams,” anang American-Kiwi mentor.
Hindi naman nalalayo ang hangad ni Growling Tigers coach Aldin Ayo para sa kanyang koponan.
“Against Ateneo, susukatin lang namin kung hanggang saan na yung narating namin. We’re just going to do our best. Right now kasi I can say Ateneo is the best collegiate team that we have right now,” anang Tigers mentor.
“Good opportunity for us na makalaban sila this early. At least malalaman namin kung hanggang saan yung nararating namin. It will be a good game for us.”
Sa tampok na laban, magtatangka naman kapwa na makapagtala ng unang tagumpay abg msgkatunggaling Go for Gold-CSB (0-2) at Family Mart-Enderun (0-1)sa kanilang tapatan ganap na 4:00 ng hapon.
Samantala sa unang laro, mag-uunahan namang makapagtala ng ikalawang dikit na panalo para makaagapay sa liderato ng Aspirants Group ang St.Clare-Virtual Reality at Chelu Bar and Grill sa kanilang pagtutuos ganap na 12:00 ng tanghali.
-Marivic Awitan