July 23, 2026

Home BALITA

Mga tent, tarpaulin na ikinalat ng mga DDS sa labas ng Senado, pinagbabaklas na!

Mga tent, tarpaulin na ikinalat ng mga DDS sa labas ng Senado, pinagbabaklas na!
Photo courtesy: MB file photo

Tuluyan nang binaklas ng Pasay City local government ang mga tent at tarpaulin ng mga tagasuporta ng pamilya Duterte at Cayetano bloc sa paligid ng labas ng Senado.

Ayon sa Pasay City LGU, ito na raw ang huling babala nila sa mga raliyistang nagkakampo at pabalik-balik na nagkakalat sa harapan ng Senado.

"Ang problema namin binabalik lang nila nang binabalik kapag kinuha naman namin syempre magkakagulo hindi naman pwedeng hindi sila papalag," anang isang LGU member sa panayam sa media nitong Miyerkules, Hunyo 17, 2026.

Saad pa ng tauhan ng LGU, "Kaya mangyayari ngayon, last warning na sila para tanggalin lahat ng tent at mga gamit na nakakalat nila."

Tumagal ng halos isang buwan ang pagkakampo ng mga tagasuporta ng pamilya Duterte at Cayetano bloc, matapos ang akma noong pag-aresto sana sa Senado sa nagtatago ngayong senador na si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa.

2 PH Navy na pinukpok sa ulo ng CCG, makatatanggap ng tig-₱100k!

Ayon pa sa Pasay City LGU, nakakasagabal na raw ang mga tent at tarpaulin ng mga raliyista sa bahagi ng northbound lane sa Diokno Boulevard.

Matatandaang minsan nang nagsagawa ng clearing operations ang Pasay City LGU subalit patuloy na bumabalik ang tagasuporta ng pamilya Duterte sa harapan ng Senado.

Babala pa ng mga awtoridad, nakatakda na raw nilang kumpiskahin ang paraphernalia ng mga raliyista kung sakaling muli na naman nila itong itayo sa paligid ng Senado.