July 16, 2026

Home BALITA National

PBBM, nasa Russia na para sa gaganaping ASEAN-Russia Commemorative Summit

PBBM, nasa Russia na para sa gaganaping ASEAN-Russia Commemorative Summit
Photo courtesy: Bongbong Marcos/FB


Kinumpirma mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na siya ay nasa Russia na para sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Russia Commemorative Summit mula ngayong Miyerkules, Hunyo 17 hanggang sa Huwebes, Hunyo 18.

Kaugnay ito sa pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng ugnayan ng nabanggit na rehiyon at bansa; kasabay ang ika-50 anibersaryo ng diplomatic ties sa pagitan ng Pilipinas at Russia.

MAKI-BALITA: PBBM, tutungong Russia sa Hunyo 17-18 para sa ASEAN-Russia ties-Balita

Sa ibinahaging Facebook post ni PBBM nitong Miyerkules, Hunyo 17, inaasahan niya ang mas matibay na relasyon ng ASEAN at Russia matapos ang isasagawang commemorative summit.

“Arrived in Kazan, Russia for the ASEAN-Russia Commemorative Summit, marking 35 years of ASEAN-Russia relations and the 50th anniversary of diplomatic ties between the Philippines and Russia,” saad ni PBBM sa kaniyang post.

“I look forward to advancing cooperation, strengthening regional stability and building partnerships that create opportunities and shared prosperity for our peoples,” dagdag pa niya.

Inaasahan ding magkakaroon ng isang bilateral meeting sa pagitan ni PBBM at Russian President Vladimir Putin.

Sesentro ang nasabing pagpupulong sa usaping energy at food security.

MAKI-BALITA: PBBM, Russian Pres. Vladimir Putin magkakasa ng isang bilateral meeting-Balita