NAKATAKDANG sumagupa ang walang talong Pinoy boxer na si WBO No. 1 Robert Paradero laban kay WBO NABO minimumweight champion Wilfredo Mendez at No. 7 contender sa teritoryo nito sa Cancha Ruben Zayas Montanez, Trujillo Alto, Puerto Rico sa Marso 8 para sa bakanteng WBO Inter-Continental minimumweight title.

Iniutos ng WBO ang pagsasagupa nina Paradero, mahigit dalawang taon nang WBO No. 1 contender, at Mendez para sa karapatang hamunin si WBO minimumweight champion Vic Saludar na isa ring Pilipino.

Liyamado sa laban ang tubong Bukidnon at 22-anyos na si Paradero dahil bukod sa walang talo sa 17 laban ay may 11 pagwawagi sa knockouts bagamat ito ang unang laban niya sa ibayong dagat.

May kartada naman ang 22-anyos ding si Mendez na 11 panalo, 1 talo na may 4 pagwawagi sa knockouts at inaasahang mananalo sa hometown decision kapag hindi napatulog ni Paradero.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

-Gilbert Espeña