TINATAYANG mahigit 200 mag-aaral mula sa iba’t ibang state universities at colleges sa Pilipinas ang makikilahok sa unang pambansang kongreso para sa mga mag-aaral na mananaliksik sa Tacloban City sa Marso 27 hanggang 29.
Sa pagbabahagi ni Ma. Cristina Caintic, Eastern Visayas State University vice president for Planning, Research, and Extension, sinabi niyang ang kongreso ay konseptong nabuo matapos ang taunang International STEAM Research Congress, na layuning tipunin ang mga mananaliksik mula sa akademya upang makahanap ng isang tiyak na solusyon para sa mga suliranin kinakaharap ng lipunan ngayon.
Tinawag ang pagtitipon na National DABEST Students Research Congress. Kumakatawan ang DABEST sa development studies, arts, at humanities, business, at entrepreneurship, education, science at engineering, technology, at innovation.
Ayon kay Caintic, napapansin nila na ilang undergraduate na mananaliksik ang nakikilahok sa taunang kongreso na para sa mga guro at mananaliksik.
“So we thought of an avenue exclusively for students, where they will not compete with faculty and researchers,” paliwanag niya, habang idinagdag na ang mga pananaliksik na itatampok ay nakabase sa anim na strands ng DABEST.
“Even research of food processing or product development may also be presented at the Congress. This may have the potential for patent application or utility model which we can provide with assistance,” dagdag ni Caintic.
Nakatakda ring maglaban ang mga kalahok sa dalawang kategorya—ang “best papers” at “best invention” kung saan makatatanggap ang magwawagi ng P10,000 cash prize.
Kabilang naman sa inaasahang mga tagapagsallita sa pagtitipon sina dating National Research Council of the Philippine President Paciente Cordero, 2016 National Academy of Science and Technology (NAST) Outstanding Young Scientist Award for Soil Science and Ateneo de Manila University’s Environmental Science Assistant Professor Ian Navarrete, at University of the Philippines Los Baños Gender Center Reproductive Health Office Coordinator Teri-Marie Laude.
Pumili rin ang mga organizer ng siyentista mula sa Eastern Visayas bilang isa sa mga tagapagsalita upang malaman ng mga kalahok na mayroon ding mga eksperto at matatagumpay sa larangan ng science and technology na mula sa rehiyon.
Binigyang-diin din ni Caintic ang kahalagahan ng pananaliksk bilang kailangan sa buhay sa unibersidad at kolehiyo, dahil nakatutulong ito sa mga mag-aaral at guro na umisip ng ideya na magsasaayos at magpapaganda sa kalidad ng buhay, mga imbensyon at pagpapaunlad sa kalidad ng pagtuturo.
Kinakailangan din umano ang research output bilang pangunahing kailangan para sa ranggo ng unibersidad.
PNA