KASAMA sa cast ng pelikulang Family History ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment ang love team nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Present sa storycon ang magka-love team at kita sa mukha nila ang tuwa sa bago nilang project and this time, pelikula naman.

Bianca at Miguel

Ang GMA Pictures ay ang dating GMA Films na nagbabalik sa paggawa ng pelikula. Second movie na nila ang Family History tampok sina Michael V at Dawn Zulueta na si Michael V rin ang direktor.

Bukod kina Michael V, Dawn, Bianca at Miguel, kasama rin sa cast sina Paolo Contis, Mikoy Morales, Kakai Bautista, Nikki Co, at Nonie Buencamino. Siguro naman, may madadagdag pa sa cast dahil parang konti sila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tama ang ginagawa ng GMA Network na bigyan nang sunud-sunod na project sina Bianca at Miguel para mas lumakas sila sa fans. Maganda ‘yung napapanood na sila sa GMA-7, mapapanood pa sila sa pelikula.

Sa March 18 na ang simula ng pag-ere ng Sahaya na tungkol sa buhay at kultura ng mga Badjaw. May ginawa ring pelikula sa APT Entertainment tampok sina Bianca at Miguel, ang Banal. Maganda sana na maipalabas ito habang airing ang Sahaya. Tapos ito ngang Family History na for sure ay this year din ang showing. Sana ay may kasunod pang pelikulang gawin ang magka-love team.

-NITZ MIRALLES