NAGTALA ang National University ng abbreviated na 7-0 panalo kontra Ateneo upang masolo ang ikalawang puwesto nitong Lunes sa pagsisimula ng second round ng UAAP Season 81 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Kinailangan lamang ng Lady Bulldogs ng 5 innings upang masiguro ang kanilang ikalimang panalo sa loob ng pitong laro.
Ang defending champion Adamson,na winalis ang 6 na laro noong first round ay naka draw ng second round opening day bye.
Sa iba pang laro, nagsipagwagi rin ang University of Santo Tomas at De La Salle University sa kani-kanilang nakatunggali upang upang magkasalo sa ikatlong puwesto taglay ang 4-3 kartada.
Binawian ng Tigresses ang University of the East sa kanilang natamong 2-3, pagkatalo sa huli ng first round nang talunin nila ang Lady Warriors, 5-1 habang muli namang iginupo ng Lady Batters ang University of the Philippines, 10-4.
Bunga nito, nalaglag ang Lady Maroons sa top four sa pagbaba nila sa barahang 3-4 habang nalaglag naman ang Lady Warriors sa markang 2-5.
Sa baseball, pinataob ng De La Salle ang reigning titleholder Adamson University, 10-2, sa rematch ng nakarasng taong Finals upang tumabla dito kasana ng UST sa ikalawang puwesto hawak ang kartadang 3-2.
Ginulantang ng UP ang Growling Tigers, 7-1, upang makapasok ng win column.
Nagtapos namang no.1 sa first round ang Ateneo matapos gapiin ang National University, 7-1, na nag-angat sa kanila sa 4-1 marka at nagbagsak naman sa Bulldogs sa kabaligtarang baraha kasalo ng UP.
-Marivic Awitan