PAGKATAPOS ni Lovi Poe, si Solenn Heussaff naman ang may pasabog nang mag-post siya ng picture in her swimsuit, na ang pose ay kita na ang ilalim ng kanyang boobs at labas na ang singit.

Solenn copy

“Morning stretch” lang ang caption ni Solenn sa picture, na obvious na nagugustuhan ng netizens dahil may almost 200,000 na ang likes nito.

‘Kaaliw ang comment ng husband ni Solenn na si Nico Bolzico: “Ok, this has to stop! Please send me all your bikini pics for me to approve! Joke lang! I love you and you are hot!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mas nakakaaliw ang sagot ni Solenn: “@nivobolzico bebu my middle name is Hubadera. Te amo!!!.”

Natuwa ang followers ni Solenn sa comment ni Nicko sa asawa, at may mga nag-congratulate sa kanya for having a sexy and hot wife. Naka-jackpot daw siya kay Solenn. Pinuri rin ang pagiging supportive ni Nico kay Solenn, at okay lang sa kanya ang mga ganitong sexy photos ng asawa.

Mas nagre-react pa nga ang brother ni Solenn na si Erwan Heussaff, na husband ni Anne Curtis. Kapag nagpo-post kasi si Solenn ng sexy photos ay sinasabihan ito ni Erwan na magdamit.

Naalala namin na kamakailan ay may mga nasagwaan sa photo ni Maxine Medina na nakasuot ng sexy swimsuit na labas na rin ang singit. Matatandaang na-bash nang husto si Maxine sa nasabing picture.

Tanong ng followers ni Maxine, bakit ‘pag si Solenn ang nag-post ng sexy photos, pinupuri ng netizens? Bakit noong si Maxine ang mag-post, panlalait ang kanyang natanggap?

-Nitz Miralles