MAY bagong leading man si Nadine Lustre sa katauhan ni Carlo Aquino.

Carlo at Nadine

Ulan ang pamagat ng pelikula nila, mula sa screenplay at direksiyon ni Irene Villamor, para sa Viva Films.

Isa itong romance drama—hindi po horror, sabi na rin ni Nadine—na umiikot ang kuwento kay Maya (Nadine), a hopeless romantic na kung ilang beses nang umibig at nabigo, hanggang sa dumating sa buhay niya si Peter (Carlo) na nagbigay ng bagong pag-asa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ikinatuwa ni Carlo ang open mindedness ni Nadine, lalo na sa mga love scenes nila, na kailangang maging makatotohanan.

No resistance at all daw sa panig ni Nadine, ayon kay Carlo. Malaking tulong ang bonding nina Nadine at Carlo, kasama si Direk Irene.

“By nature, I am a shy person especially sa mga taong ngayon ko pa lang nakikilala. [Pero] We have to be comfortable with each other, lalo na sa mga intimate scenes.”

Tampok din sa Ulan sina AJ Muhlach, Joseph Elizalde, at Perla Bautista.

-Remy Umerez