Naghihimas ng rehas ang isang lalaki nang magbiro na mayroong bomba sa loob ng istasyon ng Light Rail Transit-Line 1 (LRT-1) sa Pasay City, iniulat ngayong Martes.

JOKE

Nasa kustodiya ng Makati City Police si Akbar Saber Ismael, 28, tubong Maluso, Basilan, at naninirahan sa Security Barracks, 4th floor EGI Mall, sa panulukan ng Gil Puyat at Taft Avenues, Barangay 38, Pasay City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang bomb joke sa loob ng Gil

Eleksyon

'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD

Puyat station sa nasabing lungsod, dakong 8:58 ng madaling araw.

Kinakapkapan ni Grace Paez, 42, guwardiya, ang mga pasahero nang sabihin ng suspek na, "May bomba 'yan" na tinutukoy ang bag ng pasaherong nasa harapan nito.

Dahil dito, agad inaresto ni Paez ang suspek at ipinabatid ang insidente sa kanyang head guard para sa inisyal na imbestigasyon, bago dinala si Ismael sa pulisya.

-Bella Gamotea