MAY puna ang marami na usad-pagong daw ang showbiz career ni Heaven Peralejo, kung ikukumpara sa mabilis na pag-angat ng ilang batch mates niya sa Pinoy Big Brother.

Heaven at Jimuel

Sa interview sa kanya ni Boy Abunda kamakailan sa Tonight With Boy Abunda, sinabi ni Heaven na “very optimistic” siya pagdating sa kanyang career.

“Happy naman po ako, Tito Boy, sa takbo ng aking career. I don’t think it is necessary to make comparisons. I am only nineteen and very optimistic,” sabi ni Heaven.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

Isa-isa rin niyang nilinaw ang mga guys na inili-link sa kanya romantically, na humantong sa pamba-bash sa kanya. Napaamin din si Heaven na dahil sa mga natatanggap na bashings ay nagkaroon siya ng anxiety attack.

Tinanong ni Boy si Heaven tungkol sa pagkaka-link sa dalaga ng panganay ni Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao. Nililigawan ba ni Jimuel si Heaven?“I find him mabait at very humble. Yes, we chat. At friends lang po kami,” paglilinaw ni Heaven.

Sa nasabing interview, sinabi ni Heaven na isa sa mga pangarap niyang makatrabaho ang idolo niyang si Judy Ann Santos.

-Remy Umerez