Patay ang isang taong gulang na lalaki makaraang masunog ang kanilang bahay sa Purok 2, Poblacion, Valencia City, Bukidnon, ngayong Martes.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Valencia City Fire Protection, natutulog ang biktimang si John Michael Catao habang naliligo naman ang kanyang ina sa ibabang bahagi ng bahay nang mag-overheat ang electric fan sa kuwarto at lumiyab.
Mabilis na kumalat ang apoy kaya hindi na nakaakyat ang ina ng bata.
Nadamay ang mga katabing bahay, at tinatayang aabot sa P1 milyon ang naabo.
-Fer Taboy