Host City, nadomina ang medal-rich swimming

ILOILO CITY -- Patuloy ang pamamayagpag ng host City na Iloilo sa paghakot ng gintong medalya sa ikalimang araw ng kompetisyon sa 2019 Batanga Pinoy Visayas Leg sa Iloilo Sports Complex dito.

Tangan ng tinaguriang City of Love ang liderato sa record na 46-38- 35 para sa kabuuang 119 medalya.

Humakot ng ginto ang Iloilo sa mga sports na volleyball (girls), chess, arnis, dancesports, swimming at karatedo.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Umakyat naman sa ikalwang puwesto ang Cebu City na may 32-42-44 na nagdomina naman sa volleyball boys, futsal, dancesports at swimming.

Sa top five, pumasok ang LGUs ng Cebu Province, Negros Occidental at Bacolod City, bagama't hihintayin pa ang resulta ng mga laro ngayong huling araw ng kompetisyon.

Samantala, sa boxing nagpakitang gilas ang mga batang boksingero mula sa bulubundukin ng Bobon, Northern Samar.

Dalawang gintong medalya ang naiuwi ng tropa ng Bobon sa nasabing sports, kung saan nagwagi si Fernando Lacaña Jr. sa pamamagitan ng knockout sa 1:54 segundo ng Round 1 kontra kay Bienjemar Codoy ng Cebu City sa Jr. Boys Light Flyweight (48kg) .

“Kinakabahan po kami kasi iyung mga kalaban namin mula Cebu City, Murcia at Bago City ay sanay na sa laban. Pero laban lang po kami para maabot ang pangarap at ambisyon namin na matulungan ang pamilya namin,” pahayag 14-anyos na si Lacaña Jr.

Si Lacana ay isang out of school youth at kabilang sa boxing program ng adminiatrasyon ng Bobon.

Kasunod nito ay nasungkit ni Darwin Sevillano sa Jr. Boys Pinweight (44-46kg) nang pataobin si Dante Montales ng La Carlota City.

Gaya ni Lacaña, isang out of school youth din si Sevillano na na nais makapagoatuloy sa kanyang pag aaral.

“Sana po ay mabigyan kami ng pagkakataong makapag-aral kahit nasa bundok kami nakatira at magkaroon din po ng pagkakataon sa mga scholarship para po maipagpatuloy namin ang pagiging boksingero,” Ang kahilingan ng mga batang Bobon na Sina abina Lacana at Sevillano.

-ANNIE ABAD