HINDI man makamit ang hinahanap na hustisya sa local Olympic body at International Federation, nananatili ang paninindigan at lumalaban ang Philippine Volleyball Federation (PVF) para maisulong ang tunay na programa sa sports at matugunan ang pangangailangan ng kabataang Pinoy.

PALABAN na sinagot ni Philippine Volleyball Federation (PVF) President Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada ang mga isyu na bumabalot sa volleyball, habang matamang nakikinig sina TOPS president Ed Andaya (kaliwa) at FESSAP Executive Vice President Dr. Robert Calo sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

PALABAN na sinagot ni Philippine Volleyball Federation (PVF) President Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada ang mga isyu na bumabalot sa volleyball, habang matamang nakikinig sina TOPS president Ed Andaya (kaliwa) at FESSAP Executive Vice President Dr. Robert Calo sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Inamin ni PVF president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada na mailap – sa kasalukuyan – ang hustisya para sa asosasyon, ngunit hindi ito sapat para sumuko at iabandona ang responsibilidad na palakasin ang volleyball at tugunan ang pangangailangan ng mga kabataan, higit yaong nasa malalayong lalawigan.

“Sakal na sakal kami. Hindi kami makakuha ng kongretong tugon sa FIVB (International Volleyball Federation) dahil sa impluwensiya ng mga kalaban natin. Sa POC (Philippine Olympic Committee) patuloy kaming naghihintay na mabigyan ng pagkakataon na humarap sa General Assembly, ngunit hanggat ngayon sarado ang pinto sa amin,” pahayag ni Cantada sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club (NPC) sa Intramuros.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“Pero hindi kami susuko. Limang taon na kaming inaapi, pero okey lang basta yung tungkulin namin sa bayan patuloy. Hangang sa pinakaliblib na lugar sa Cotabato at Mountain Province, napapadalhan namin ng bola at volleyball net yung mga pampublikong eskwelahan.

“Sariling gastos na namin ito sa tulong ni Bong Tan. Jr. na itinuturing kung anak, naisasagawa namin ang ‘Series in Your City’ volleyball tournament na libre ang lahat, mula sa entry fee hanggang sa maiinom at makakain ng mga atleta,” sambit ni Cantada sa lingguhang forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) .

Ibinida rin ni Cantada ang ginagawang ‘coaches training program’ ng PVF sa mga regional area sa hangaring mapataas ang level ng kaalaman ng mga volleyball coaches, gayundin ang mga technical officials.

“PVF-trained referees, umpires and officials are the ones handling the officiating of difference provincial and collegiate league in the country. Kahit sa Palarong Pambansa ang PVF ang nag-trained sa mga coach at official dyan,” aniya.

Binuod ni Cantada ang kaganapan sa PVF sa manipulasyon ng nakalipas na pamunuan sa POC, sa pamumuno ni Jose ‘Peping’ Cojuangco.

“With the new leadership of Mr. Ricky Vargas, we’re still hopeful na maidepensa namin ang PVF sa General Assembly. Ito lang naman ang nais namin, maipaliwanag namin sa GA ang mga isyu sa PVF at kung gusto kaming paalisin ng GA, tatanggapin namin, pero kailangan muna nila kaming mapakingan,” sambit ni Cantada.

Sa kasalukuyan, ang Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. – ang asosasyon na binuo ni Cojuangco – ang may direktang komunikasyon sa POC.

“Hopefully, mapagbuksan kami ng pinto ng POC sa pagkakataong ito. But irecognize kami o hindi, tuloy ang aming programa.

Nakakuha ng kasanga si Cantada kay Dr. Robert Calo, Executive Vice President ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP), na kasama ring dumalo sa TOPS forum gayundin sina dating Azkal at 7s football league chief Anton del Rosario at Raymond Reyes, assistant coach ng Team Manila sa Community Basketball Association (CBA).

Nagkasundo sina Cantada at Calo para sa volleyball program ng FESSAP, kabilang ang pagbuo ng koponan para isabak sa international school competition, kabilang ang Summer Universiade sa Hulyo sa Napoli, Italy.

“With or without the POC recognition. Tuloy ang suporta ng PVF sa FESSAP at sa Philippine Inter-Schools, Colleges and Universities Athletic Association (PISCUAA),” pahayag ni Cantada.

-EDWIN ROLLON