UMAASA si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na magtatagumpay sila sa layuning matapos ang pagpapanumbalik ng sigla ng mga nalalabing hindi produktibo at kalbo nang kagubatan sa buong bansa sa 2028.
“At the rate we’re going, we’re confident of meeting the 7.1 million hectares by 2028,” sabi ni Cimatu, ayon kay DENR Undersecretary Juan Miguel Cuna sa international forest landscape restoration (FLR) conference sa Makati City nitong Lunes.
Inilunsad ng DENR noong 2011 ang National Greening Program (NGP) para isalba ang mga hindi na produktibo at kalbo ng kagubatan sa buong bansa.
Noong 2015, ang-isyu ang Malacañang ng Executive Order 193 na nagpahaba ng panahon ng implementasyon ng programa simula 2016 hanggang 2028, para saklawin ang tinatayang 7.1 milyong ektarya ng unproductive, denuded at degraded forestland.
Layunin ng programang i-promote ang Philippine self-sufficiency sa kahoy at mga produktong gawa sa kahoy, economic security at environmental stability.
Ipinakita sa pinakahuling datos mula sa DENR, 109 percent na ang tagumpay ng NGP na nagsimula pa noong 2011 hanggang 2018, at nagawang taniman sa programa ang halos dalawang milyong ektarya ng unproductive, denuded at degraded forestland sa buong bansa.
Aabot naman sa 1.7 bilyong buto ang naitanim sa nasabing panahon.
“Last year, we produced more than 145 million pieces of planting materials using native and fast-growing species -- in addition, we produced 3.3 million bamboo culms or cuttings and 1.72 million mangrove propagules and beach forest tree seedlings,” dagdag pa niya.
Bukod sa implementasyon ng NGP, sinabi rin ni Cimatu na pinabawalan ang gobyerno ng Pilipinas na mag-export ng mga troso at lumber mula sa natural na kagubatan, gayundin ng pagpuputol ng kahoy mula sa mga natural at nalalabing mga kagubatan upang makatulong sa pagpoprotekta ng ecosystem.
“From the foregoing, it may be gleaned that the Philippines has built up several years and almost two million hectares of experience in FLR,” sabi niya.
Binanggit din niyang handa ang Pilipinas na magbahagi ng reforestation experience sa mga interesadong partido dahil “FLR regains ecological functionality and enhances human well-being across deforested or degraded forest landscapes”.
Ayon sa mga eksperto, ang FLR ay hindi lamang tungkol sa pagtatanim ng puno ngunit pati ng pangangalaga sa buong lugar para sa kasalukuyan at sa mga hinaharap na pangangailangan, pati na upang mapagkunan ng mga benepisyo at land uses sa paglipas ng panahon.
“FLR has been steadily gaining interest globally over the past years,” ani Cimatu.