Naaresto nitong Martes ang itinuturong suspek sa pagdukot, umano'y panggagahasa at tangkang pagpatay sa 9-na babae na natagpuan sa ilalim ng tulay sa Cainta, Rizal kamakailan.
Nakakulong at sasampahan ng kasong Rape in relation to Republic Act 7610 (Anti-Child Abuse Law) si Pepito Tagal, 39, ng Mahaplag, Leyte, at residente ng 237, JP Rizal Street, Barangay San Roque, Project 4, Quezon City.
Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office, nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Cainta Police Station at Cubao Police Station (PS-7) ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek sa 515, Nicolas Compound, Boni Serrano Avenue, Bgy. San Roque, Project 4, Quezon City, dakong 11:51 ng gabi.
Matapos na tukuyin ng isang saksi at ng mismong biktima ang suspek, agad na nakipag-ugnayan si Cainta Municipal Police Station chief, Police Supt. Alvin Consolacion kay Cubao PS-7 Station Commander, Police Supt. Giovanni Caliao para sa pagdakip sa suspek.
-Mary Ann Santiago