QATAR – Nalagpasan ng Philippine Team Gilas ang isang balakid sa kampanyang makausad sa FIBA World Cup.
Hataw at dinomina ng Pinoy ang host team, 84-64, Huwebes ng gabi sa Al-Gharafa Sports Club Multi-purpose Hall in Doha na dinagsa ng Pinoy Overseas Workers.
Natuldukan ng Gilas ang two-game losing skid para simulan ang 6th at final window ng Asian Qualifiers at makaungos sa 6-5 sa Group F. Naghahabola ng Gilas sa Japan at Iran.
Ginapi ng Japan ang Iran sa unang laro para makatabla sa 704, ngunit tangan ng Japanese ang mas mataas na quotient sa tiebreaking.
Tulad ng inaasahang, matikas ang kampanya ni naturalized Andray sa naiskor na 17 puntos, 15 rebounds, pitong assists, dalawang steals at dalawang blocks.
Epektibo rin ang outside shooting kung saan naitala ni Marcio Lassiter ang 4-of-4 sa three-point shot para sa 14 puntos, habang kumana ng tatlo si Paul Lee para sa kabuuang 13 puntos. Nag-ambag si Jayson Castro ng 11 puntos at apat na assists.
Sunod na haharapin ng Gilas ang Kazakhstan sa Linggo.
Iskor:
Philippines (84) - Blatche 17, Lassiter 14, Lee 13, Castro 11, Aguilar 10, Barroca 7, Erram 7, Rosario 4, Norwood 2, Ravena 0, Thompson 0, Fajardo 0.
Qatar (46) - Saeed 10, Elhadary 7, Fouda 6, Gueye 5, Khalid 5, Al-Rayes 3, Muslic 3, Abdelhaleem 2, Mohmedd 2, Mujkic 2, Avdic 1, Al-Darwish 0.
Quarters: 15-11, 31-21, 62-30, 84-46