“THEY tried but I didn’t allow them to destroy my heart because after all the strongest hearts already possess the most scars and on Friday, February 22, 2019, in QC RTC, finally... Good night, shoot tomorrow with my Ate & Bimb. #LABAN,” ito ang caption ni Kris Aquino sa ipinost niyang iba’t ibang kulay ng rosas na hugis puso.

Kris , Jesus, Nicko Falcis

Kung walang pagbabago ay makikita na ni Kris nang face to face ang magkapatid na Nicko at Atty. Jesus Falcis na kinasuhan niya ng 44 counts of qualified theft at cyber libel, respectively, sa Quezon City Regional Trial Court ngayong hapon.

First time magkikita sina Kris at Atty. Jesus at si Nicko naman ay anim na buwan na nang huli niyang makita.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nalaman namin na magsusumite ng counter affidavit si Kris sa isinampang kasong grave threats ni Nicko kamakailan, dahil inamin ng una na siya ang boses sa audio na umano’y nagbanta sa buhay ng dating KCAP executive.

Anyway, masayang umuwi mula sa ilang araw na bakasyon sa Japan si Kris kasama ang mga anak na sina Joshua, Bimby at ilang KCA staff dahil sinalubong siya ng napakaraming cakes at balloons na mula sa mga taong nagmamahal sa kanya.

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay kasalukuyang nasa TVC shoot si Kris.

-Reggee Bonoan