MIYEMBRO na si Ruffa Gutierrez ng Cornerstone Entertainment Inc. at ipinost niya sa Instagram (IG) ang magandang balita. “Happy & proud to be a part of the family. Exciting times ahead!!!,” ang masayang caption ni Ruffa sa litrato niyang wine-welcome siya ng new family niya.

Ruffa

Sumagot naman dito ang Cornerstone at si Erickson Raymundo ng, “Cornerstone welcomes @iloveruffag to our growing family!” at “Looking forward to a fruitful partnership with you.”

Kabilang sa mga nag-congratulate kay Ruffa sa bago niyang management ay ang mga kapatid na sina Richard at Raymond Gutierrez.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nag-reply naman si Ruffa sa kanila, “@richardgutz yayyy thank you Chard!!!” at “@mond excited.”

Binati rin si Ruffa ng sis-in-law niyang si Sarah Lahbati pati rin ng mga kaibigan niya. So, hintayin nalang natin ang mga project ni Ruffa under Cornerstone

-NITZ MIRALLES