EXCITED na ang Kapuso viewers sa airing ng Sahaya na tungkol sa buhay ng mga Badjao lalo na at may ipinalabas nang teaser ang GMA-7. Tunog ng kulintang pa lang ang naririnig sa teaser pero may impact na agad ito sa viewers.

Bianca at Miguel copy

Title role si Bianca Umali at kapareha niya love team niyang si Miguel Tanfelix, na gaganap din bilang isang Badjao. May mga nakita na kaming picture ng dalawa online at in fairness, bagay sa dalawa ang kanilang role. Hindi na sila kailangang paitimim dahil parehong moreno ang dalawa.

Nagpunta pa sa Tawi-Tawi ang head writer na si Suzette Doctoloero para mag-research sa buhay, kultura at lahat ng may kinalaman sa pamumuhay ng mga Badjao. Sinamahan siya ng creative team ng Sahaya at maganda ang resulta ng pagpunta nila roon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May nakita rin kaming picture nina Bianca at Miguel sa kanilang dance workshop at nakakatuwa dahil kahit dance workshop pa lang, nakasuot na sila ng kasuotan ng mga Badjao.

Sa direksyon ni Zig Dulay, sa second week na ng March mapapanood ang Sahaya na kapalit ng Onanay. Malaki rin ang cast ng epic serye na kinabibilangan nina Jasmine Curtis at Gil Cuerva na gaganap bilang batang Mylene Dizon at Zoren Legaspi.

-NITZ MIRALLES