IT’S heartwarming to see Angel Locsin and her siblings na magkakasamang nag-celebrate ng 92nd birthday ng ama nilang si Angelo Colmenares.

Angel at pamilya

Tatlo lang na magkakapatid sa kanilang ama si Angel, ang ate niyang si Ella, at ang younger brother nilang si Angelo Jr.

Last Sunday, February 17, nag-celebrate nga sila ng birthday ng ama.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Nothing better than seeing you happy and healthy, Daddy. Happiest birthday to the most incredible, most inspirational, most captivating 92 year old I have ever known.”

Ang daming bumati na mga friends ni Angel sa showbiz, at lahat sila ay good health ang wish para sa ama ng akres. Kita pa rin kasi sa picture na malakas pa ang daddy nina Angel.

Meanwhile, nitong Valentine’s Day ay ang boyfriend na si Neil Arce ang kasama ni Angel. Hindi lang binanggit ni Angel kung saan ‘yung napakagandang lugar na ipinasilip niya sa photo na ipinost niya na pinuntahan nila ni Neil.

“Happy Valentine’s Day to my tough manly man who still sometimes cries in sad movies. I love everything about you!” caption ni Angel.

Sinagot ito ni Neil ng “I love you”, at “I love you too!” ang sagot ni Angel.

-NORA V. CALDERON