Ibinunyag ng Philippine Army (PA) na bukod sa pera, humihingi rin umano ng war materials ang mga komunistang New People’s Army (NPA) sa mga kandidato sa 2019 midterm elections sa Mayo 13.

Ayon kay 3rd Infantry Division (ID) chief, Capt. Eduardo Precioso, ang mga hinihinging kagamitan ay magsisilbi umanong permit to campaign fee ng mga kumakandidato sa pagka-kongresista at pagkaalkalde sa Western Visayas.

Aniya, nagpapadala muna ng sulat ang mga rebelde sa mga pinupuntiryang pulitiko kung saan hihingan ng mga baril, laptop, groceries at iba pa.

Kapag hindi aniya sumunod ang mga kandidato sa kanilang kahilingan, babantaan na umano ang mga ito na hindi na sila papayagang mangampanya sa kanilang nasasakupan.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

-FER TABOY