Team LeBron, angat sa Team Giannis sa NBA All-Stars

CHARLOTTE (AP) – Bumalikwas ang Team LeBron mula sa double digit na paghahabol sa first half para maitarak ang 178-164 panalo laban sa Team Giannis sa 2019 NBA All-Star Game nitong Linggo (Lunes sa Manila).

NAKIPAGBUNO sa rebounds si Kevin Durant sa isang tagpo ng laro sa NBA All-Star Game. Tinanghal na MVP si Durant nang pangunahan ang Team LeBron laban sa Team Giannis. (AP)

NAKIPAGBUNO sa rebounds si Kevin Durant sa isang tagpo ng laro sa NBA All-Star Game. Tinanghal na MVP si Durant nang pangunahan ang Team LeBron laban sa Team Giannis. (AP)

Naisalpak nina Klay Thompson at Damian Lillard ang magkakasunod na triples sa pagtatapos ng third period para sandigan ang Team LeBron laban sa Team Giannis matapos maghabol sa 50-36 sa second period.

Jaja Santiago elbow na nga ba sa Japan national team?

Kumana sina Thompson, Lillard at Kevin Durant ng tig-anim na three-pointer sa larong nagresulta ng kabuuang 62 three-point shots.

Naitala ng Team LeBron ang 35 sa 91 tira sa downtown, habang ang Team Giannis ay may nakuhang 27 sa 77 pagtatangka.

Tumapos si Durant na may 31 puntos at tanghaling MVP.

Nag-ambag si Thompson ng 20 markers, habang kumana si Lillard ng 18 puntos. Hataw din si Kawhi Leonard ng limang three-pointer para mapantayan si LeBron James na may tig-19 puntos.

Nanguna si Giannis Antetokounmpo sa game-hign 38 puntos mula sa 17 for 23 shots.

Kumana sina Paul George at Khris MIddleton ng tig-20 puntos para sa Team Giannis.

Kahanga-hanga ang laro na lubhang kinasiyahan ng mga manonood. Maging angmga beteranong sina Dwayne Wade at Dirk Nowitzi ay nakapag-ambag sa kanilang malalayong three-point shot.

“We just started making shots,” sambit ni Durant, naging All-Star MVP din noong 2012.

“Thanks for the hospitality,” aniya patungkol sa hots Charlotte na pinamumununa ni basketball great Micahel Jordan. “It was an amazing weekend. Glad we capped it off with a ‘W.’”