Naalarma na rin ang mga opisyal ng Department of Health sa Region 12 bunsod ng paglobo ng bilang ng tinigdas sa rehiyon ngayong taon, na ikinasawi ng isang sanggol kamakailan.

Photo by Jansen Romero

Photo by Jansen Romero

Binanggit ni DOH-Region 12 Spokesperson Jenny Ventura, posible magdeklara silka ng emergency health alert kasunod na rin ng naitalang 287 na na-tigdas, mula nitong Enero 1 hanggang Pebrero 16.

Mas mas aniya ng anim na porsiyento ang naturang bilang kumpara sa naitalang 216 sa kaparehong panahon ng nakaraang taon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Pinakamataas aniya ang 58 cases na naitala sa South Cotabato, kabilang na ang pagkamatay ng pasyenteng limang buwang gulang na lalaki na taga-Polomolok.

Kaugnay nito, sinimulan na rin ng DOH-Region 12 ang pagsasagawa ng measles vaccination drive sa Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani at sa lungsod ng General Santos at Cotabato.

-Joseph Jubelag