Ikakasal na sina Katy Perry at Orlando Bloom.

Orlando Bloom at Katy Perry

Orlando Bloom at Katy Perry

Mas espesyal ang naging pagdiriwang ng Valentine’s Day para kina Katy at Orlando.

Sa Instagram, inihayag ng magkasintahan ang kanilang engagement kasama ng mga larawan ng kanilang romantic Valentine’s Day dinner, at siyempre ang naganap na proposal ni Orlando.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

May caption na “full bloom” ang larawan na ibinahagi ng California Girls hitmaker, kung saan kasama niya ang Lord of the Rings actor. Habang “Lifetimes” naman ang sinabi ni Orlando sa kanyang personal photo post kasama si Perry.

Taong 2016 nang maging makasintahan ang dalawa, ngunit naghiwalay bago mapabalitang balik sa relasyon ang dalawa.

Dating married si Katy sa aktor na si Russell Brand mula 2010 hanggang 2012, habang si Orlando ay ikinasal sa modelong si Miranda Kerr mula 2010 hanggang 2013.

Patrick Garcia