KUNG abala sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban sa kanilang tampuhan-bati thing, abala naman si Zanjoe Marudo sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Josie Prendergast, na taga-Siargao.

Zanjoe & Josie

Sina Carlo, Zanjoe at Angelica ang mga bida sa pang-umagang serye ng ABS-CBN na Playhouse, na patuloy pa ring sinusubaybayan, base na rin sa survey ng Kantar-Media.

Anyway, nakitang nag-post ng litrato ang handler ng aktor kung saan magkakasama silang tatlo nina Z (tawag kay Zanjoe) at Josie, habang nasa isang restaurant.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nitong Pebrero 11, ipinost ni Monch ang litrato at may caption na, “Happy to see you again@josie_prendergast @onlyzanjoemarudo.”

Aliw ang mga komento, sa pangunguna na rin ng kapwa artista ni Zanjoe na si Marco Gumabao, na tinawag siyang “lover boy”, habang puro puso naman ang komento ni Denise Laurel.

Pawang positibo ang lahat ng iba pang komento na nabasa namin, dahil finally ay natagpuan na ni Zanjoe ang taong magpapasaya sa kanya.

Nakakaaliw lang kasi tahimik lang si Zanjoe sa kanyang love life, habang naguguluhan naman ang mga nakasubaybay kina Carlo at Angelica, dahil hanggang ngayon ay walang linaw kung ano ba talaga ang relasyon nila.

-Reggee Bonoan