KAKASA si dating WBO bantamweight champion Marlon Tapales ng Pilipinas kay Mexican journeyman at one-time world title challenger Fernando Vargas Parra sa Pebrero 16 sa Microsoft Theatre, Los Angeles, California sa United States.

Ito ang unang laban ni Tapales sa US bagamat kumasa na siya at natalo sa kontrobersiyal na 12-round majority decision kay Mexican David Sanchez sa kanilang sagupaan para sa WBC Silver super flyweight title noong Pabrero 23, 2013 sa Hermosillo, Mexico.

Hindi na natalo si Tapales mula noon at nagtala siya ng 10 sunod na panalo, 6 sa pamamagitan ng knockouts kabilang ang pagtamo ng WBO bantamweight crown laban kay Thai Panya Uthok via 11th round knockout noong Hulyo 27, 2016 sa Ayutthaya, Thailand.

May rekord si Tapales na 31-2-0 na may 14 pagwawagi sa knockouts at inaasahang magwawagi siya laban kay Parra na may kartadang 34-14-3 na may 23 pagwawagi sa knockouts.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Magsiislbing undercard ang sagupaan nina Tapales at Parra sa depensa ni WBA featherweight champion Leo Santa Cruz ng Mexico sa kababayan niyang si Rafael Rivera.

Kung impresibong magwawagi si Tapales kay Parra, maaari niyang hamunin si Santa Cruz lalo’t nakalista siyang No. 6 super bantamweight sa IBF at WBO rankings.

-Gilbert Espeña