HINDI naman siguro magseselos si Rayver Cruz sa ipinost ni Enchong Dee na picture nila ni Janine Gutierrez, sa isang eksena sa pelikula nilang Elise.

Enchong

“You will forever by my #Elise,” caption ni Enchong.

Sagot ni Janine: “Mahal kita Bert! Congratulations.”

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Anyway, nagpahayag si Enchong sa pagpabor sa panukala ni Direk Erik Matti na ilipat sa Friday ang opening day ng local films. ‘Pag Wednesday kasi, gitna ng linggo, busy ang tao at ang iba ay walang time manood ng pelikula.

“I stand with @erikmatti proposal to push for Friday as the opening day for all upcoming films in the future... I support local films and this maybe one tiny adjustment that could make a huge difference to help push for a healthier Philippine Movie industry. If anyone agrees with us, rally and make your voice heard.”

Sumegunda si Lotlot de Leon, mommy ni Janine, sa sinabi ni Enchong at alam namin, maraming taga-showbiz ang pabor na baguhin ang opening day ng local movies.

-Nitz Miralles