NASIMULAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang unang leg ng Batang Pinoy at nakahanda na rin ito para sa kasunod na leg sa Visayas sa susunod na Linggo.

RAMIREZ: Palakasin ang grassroots program

RAMIREZ: Palakasin ang grassroots program

Kasabay nito, puspusan na rin ang paghahanda ng ahensiya para sa pagsasagawa ng Palarong Pambansa na magagnap sa huling Linggo ng Abril sa Davao City.

Ito ang siyang simula ng pagsasanib puwersa ng PSC at ng Department of Education (DepEd) sa paghubog ng mga batang talento na maaring maging isang superstar athlete sa darating na panahon.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

“We feel that there’s something lacking, so we will be partnering with them to forge grassroots program in sports,” ani Ramirez.

Sa katunayan, ang mga hihiranging pinakamagagaling na atleta ang mabibigyan ng pagkakataon na makapagsanay para mailahok sa mga kompetisyon sa labas ng bansa.

“These oustanding athletes will undergo special training and will then be sent to compete in ASEAN and in ASIAN meets,” pahayag ng PSC chief.

Naniniwala si Ramirez na ang kanilang pakikipagsanib puwersa sa DepEd ay makakatulong sa pagpapalawig ng ahensiya ng kanilang proyekto para sa grassroots sports level.

Makikipagtulungan ang dalawang nasabing ahensiya sa mga local government units (LGUs) gayundin sa , Department of Health, Technical Education at Skills Development Authority, Commission on Higher Education at sa Armed Forces of the Philippines.

-Annie Abad