June 08, 2026

Home BALITA

Rep. Leviste sumulat kay Sen. Erwin; tutulong sa flood control probe?

Rep. Leviste sumulat kay Sen. Erwin; tutulong sa flood control probe?
Photo courtesy: MB file photo

Kumalat sa social media ang opisyal na liham ni Batangas 1st district Rep. Leandro Leviste para kay Sen. Erwin Tulfo hinggil sa imbestigasyon umano ng flood control projects.

Ayon sa liham na may petsa noong Hunyo 5, 2026, pinasalamatan ni Leviste ang muli raw pagbubukas ni Tulfo ng imbestigasyon hinggil sa maanomalyang proyekto.

"Thank you for pushing for the investigation of flood control projects," ani Leviste.

Saad pa niya, nais daw niyang maglatag ng mga impormasyon hinggil sa nasabing pag-iimbestiga ni Tulfo sa ilalim ng Blue Ribbon Committee na pinangungunahan ng senador.

"I would like to present information relevant to this at your earliest convenience. I would appreciate being informed by your office if this may be possible," giit pa ng mambabatas.

Politics

SILG Remulla, tiniyak na walang special treatment kay Curlee Discaya

Nabanggit din sa liham na sinubukan umano ni Leviste na hingin ang personal na contact information ni Sen. Erwin mula sa kaniyang inang si Sen. Loren Legarda ngunit hindi siya nito pinagbigyan.

"In full disclosure, I have been asking my mother to share with me your contact details, but she has not, so I am sending this to your email address from the official Senate website," paliwanag pa ni Leviste.

Matatandaang ang kaniyang inang si Sen. Legarda ay kasama sa mga senador sa naunang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee na nasa ilalim naman ng paksyon ni Sen. Alan Peter Cayetano. 

Habang si Sen. Erwin naman ang tumatayong chairman ng naturang komite sa ilalim naman ng Gatchalian bloc.

Samantala, umaasa si Leviste na pauunalakan ng senador ang kaniyang liham.

Gumawa ng ingay sa Leviste sa imbestigasyon ng anomalya sa flood control projects matapos niyang ikanta ang mga umano'y budget insertions ng ilang mga mambabatas upang makakuha ng kickback sa naturang proyekto—na siyang naksaad naman sa tinaguriang “Cabral files.”

Ang Cabral files ay mula sa personal na record ni yumaong dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral.