June 07, 2026

Home FEATURES

Pinakamatandang 'Philippine eagle in captivity,' binigyan ng senior citizen, PWD card

Pinakamatandang 'Philippine eagle in captivity,' binigyan ng senior citizen, PWD card
Photo courtesy: DENR/FB


Hinandugan ng isang senior citizen at persons with disability (PWD) card ang pinakamatandang “Philippine eagle in captivity” at nag-iisang resident Philippine eagle ng Metro Manila na si Girlie.

Batay sa ulat na ibinahagi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kamakailan, ang pagbibigay ng Quezon City Government ng naturang card sa agila ay bahagi ng Philippine Eagle Week simula Hunyo 4 hanggang Hunyo 10.

Ayon pa sa DENR, 45-46 taong gulang na ang agila, na humaharap din sa permanenteng wing injury at pagkabulag ng kanang mata.

Anang departamento, nalampasan na ni Girlie ang tipikal na lifespan ng kinabibilangan niyang species, na tumatayo bilang “living legend” pagdating sa usaping “wildlife conservation.”

Trending

Ano ang viral trend na ‘6-7’ ng Gen Alpha?