June 08, 2026

Home BALITA National

Mayor Vico Sotto sa pagkaaresto kay Curlee Discaya: 'Sana mas marami pa ang makulong!'

Mayor Vico Sotto sa pagkaaresto kay Curlee Discaya: 'Sana mas marami pa ang makulong!'
File Photo

Nagkomento si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos ang naging pag-aresto ng mga awtoridad sa contractor na si Curlee Discaya nitong Lunes, Hunyo 8, 2026. 

Matatandaang umaga nitong Lunes, isinilbi ng Philippine National Police (PCP) ang warrant of arrest laban kay Discaya dahil sa kasong malversation kaugnay sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan. 

Sa naging pahayag ni Sotto sa kaniyang Facebook post nito ring Lunes, hiniling niyang dapat daw na mas marami pa ang makulong na may koneksyon sa malawakang korapsyon sa bansa. 

“Sana mas marami pa ang makulong,” pagsisimula niya. 

Screenshot mula sa FB post ni Sotto.

National

'Politicians are the primary suspects!' Suspendidong si Dr. Leachon, binalagbag ng death threats

Ani Sotto, tila ikinalulugod pa rin daw niya, sa kabila ng kaniyang pagkadismaya sa mga nangyayari sa bansa, na may progreso pa rin naman daw na kahit papaanong nagaganap para malabanan ang korapsyon. 

“Minsan nakakadismaya na ang mga nangyayari sa ating bansa; iniisip ko na lang na ‘at least’ kahit papaano, may progreso,” aniya.  

Dagdag pa niya, “Just 1 year ago, most of us didn't even know the level of corruption going on.” 

Diin ni Sotto, maaari daw na sina Curlee at asawa nitong si Sarah Discaya ang isa sa mga may pinakamalaking nakubra sa flood control project anomalies, bukod kina Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez at former Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co. 

“Pero hindi lang flood control ang pinag-uusapan dito. This is just one example of how evil minds can exploit our broken system,” giit niya. 

Pagpapatuloy ni Sotto, ituloy lang daw sana ng taumbayan ang punahin ang mga korapsyon sa bansa upang tuluyan ding mapilitan ang gobyerno umaksyon para sa mahahalagang usapin. 

“Tomorrow, the same things will happen again, unless we continue to fight and de-normalize corruption,” saad niya. 

“So let's keep doing our part. Stay informed, exercise critical thinking, and keep pressuring the government.” 

“Siguraduhin nating hindi tayo magkakalimutan,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang 9 na buwan nang nakadetine sa kustodiya ng Senado si Curlee matapos siyang ipa-contempt noong Setyembre 2025 sa noo’y serye ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Bago nito, nauna nang inaresto at naikulong ang misis niyang si Sarah Discaya at kasalukuyang nasa kustodiya ng Lapu-Lapu City Jail sa Cebu.

KAUGNAY NA BALITA: 9 sa 11 suspeck sa flood control scandal, nakakulong na—DILG