HINDI malilimutan ng mga Pilipino ang husay at galing ng namayapang aktres at mang-aawit na si Armida Siguion-Reyna, na isang babaeng matapang at may paninindigan.

Armida copy

Ito ang naging pahayag kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, bilang pakikiramay at pagpapaabot ng simpatya sa pamilya ng pumanaw na aktres.

“The entertainment world has lost one of its pillars and the Palace expresses its condolences to the family, friends and colleagues of the former Movie and Television Review Classification Board (MTRCB) Chairperson Armida Siguion-Reyna,” ani Panelo.

Vice Ganda, napikon sa nanay ng batang nagpa-picture sa kaniya?

“Her voice whether singing kundimans or advocating free expression will be missed by many of us so we pray for the eternal repose of her soul and may perpetual light shine upon her,” dagdag pa niya.

Nitong Lunes, pumanaw sa edad na 88 si Armida, isang batikang mag-aawit, aktres at film producer.

Binigyang-pugay ng Palasyo si Armida sa “immense” nitong kontribusyon sa lokal na musika, telebisyon at pelikula.

Hinangaan din ng opisyal ang tapang ng namayapang aktres sa pagharap sa mga pagsubok at batikos.

“Now if you look at her biography, specifically that biographical book, fear was not in her vocabulary, and if you have witnessed how this woman faced her detractors as well as her critics, immediately you will know that this woman was one who had an independent mind of her own and a principled citizen at that and she had demonstrated this kind of character all throughout her career,” aniya.

-GENALYN D. KABILING