SANAY na si Alden Richards na binoboykot siya ng sariling fans, kaya hindi na naligalig ang aktor sa panibagong banta na iboboykot siya dahil lang nagkasama sila ni Julie Anne San Jose sa isang segment ng Sunday PinaSaya.

Alden at Julie copy

Damay ang show sa bantang boycott ng fans ni Alden, pero gaya ng aktor, hindi nagpataranta ang mga nasa likod ng show. Ilang beses na rin silang pinagbantaang iboboykot.

Sabado pa lang, February 9, ay may nagbanta nang magbo-boycott dahil sa lumabas na teaser ng SPS, na parang poster ng segment na pinamagatang “Bara Bara Bae” at nakita nilang kasama si Julie sa cast. Kaya ayun na, nagalit na ang fans at kasunod na ang bantang boycott.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Napanood namin ang pinagselosang segment na, in fairness, nakakatawa at walang kaselos-selos doon. Ilang Linggo pang tatakbo ang nasabing segment at kung may nagbanta mang magboykot, mas marami ang natuwa at natawa at patuloy nilang panonoorin ang nasabing segment.

-Nitz Miralles