“LONG time no see!”

Ronnie-Ricketts-200x300

Ito ang ngiting-ngiting bati ni Ronnie Ricketts kay Yours Truly with matching beso-beso sa mediacon ng pelikulang Exit Point, na muli niyang pagbibidahan bilang action star, at siya rin mismo ang nag-produce.

“Bakit mo naisipang mag-produce nitong Exit Point at muling magbalik-pelikula bilang action star uli?” asked ni Yours Truly.

Michael Sager, Emilio Daez nagpaalam na sa Bahay ni Kuya

“Actually, ‘yang Exit Point, collaborated ko ‘yan sa Viva Films. Dapat sa Viva ko gagawin. Pero na-delay nang na-delay so sabi ko, ako na lang ang gagawa. Sabi ko sa sarili, gagawin ko na ito kasi it took me a year for the script, eh. Kasi collaboration muna with my creative department.

“Ayun, naayos naman ang mga dapat ayusin. Hanggang sa eto na nga, natapos namin ang shooting ng Exit Point, na hopefully ay maayos naming maipalabas sa Feb. 20. And hopefully, magustuhan nila uli ang pagbabalik ng mga pelikulang may kinalaman sa martial arts.

“Actually, hindi lang ako ang bida dito, eh. Kasama ko rito sina Jackie Lou Blanco, Jericho Estregan, Alvin Anson, Brandon Ricketts , Renzo Cruz , at iba pa. Tapos may kasama rin kaming Korean actor na si Sung Joon Park, na isa ring car racer. At introducing dito sa Exit Point ‘yung anak kong babae na si Raechelle Ricketts.”

Wala na ba siyang balak makilahok sa pulitika since naging chairman siya noon ng Optical Media Board?

“Mahirap ang politics, eh. Ano na lang, support na lang tayo. Gawin na lang kung ano ang puwede nating maitulong sa bayan natin. Pero sa movie, ‘yon pa rin talaga ang love ko. And hopefully, ma-target din ng Exit Point ang international movies.”

Bakit Exit Point?

“Kasi ‘yung kailangan, makatakas kami sa isang lugar, eh. To have an exit point. Mga preso kami rito pero sa dulo, kami pala ang maglalaban-laban. Na-inspired ako sa Hunger Days at gusto ko, may mga bata ako kasama sa cast na hindi lang ako ang bida.

Bilang director din, lahat sila binigyan ko ng magagandang role na nagampanan naman nila nang mahusay. And I was really happy sa nakita kong result. So sabi ko sa sarili, sana magustuhan ito ng ating moviegoers. And I hope I did justice to all our roles here.

“At saka nag-collaborate na rin kami ni Robin Padilla sa isang movie project na gagawin naming dalawa, so sana nga bumalik na uli ang dating sigla ng ating movie industry. Inaayos na namin ni Binoe ang script na hopefully magawa na namin this year. Para marami tayong natutulungan na mga kasamahan natin dito sa ating hanapbuhay.”

Action movies talaga ang gusto niyang gawin lagi?

“’Yon lang naman talaga ang gusto kong gawin, puro action movies kasi ‘pag may drama parang nabibigatan ako sa buhay, eh. Ha, ha, ha.”

Tipong ang ganda ng samahan nila ng misis niyang si Maris, na dati ring artista. Wala kaming naririnig na intriga sa kanilang dalawa ever since na naging mag-asawa sila.

Ano ang sekreto ng sweet romance nila bilang mag-asawa?

“Actually, very supportive na wife (si Maris), saka mabait ako. Ha, ha, ha! Meron na kaming anak na dalawang babae. Isang 24 years old at isang 21 years old. At ‘yun ngang isa, isinama ko dito sa cast ng Exit Point kasi mukhang mahilig din mag-artista. Gusto rin maging action star tulad ng tatay niya.

“Kami ni Maris, hindi kami masyadong mahilig maglalabas. Tahimik lang kami, kasi kami ang tipong magbarkada, eh. Ang problema ko, problema din niya. We are very simple people, mamatay man. You don’t see us in social gatherings and malalaking showbiz events. With that, we’re always together, nanonood lang ng sine, kumain nang simple sa labas, bonding always with our two daughters, ‘yon ang naging buhay namin since nang ikasal kami.

“At first, nu’ng bago kaming kasal medyo nangangapa pa si Maris, pero after five or six years na nagpo-produce na kami, naintindihan na niya ‘yung role niya bilang wife. Naintindihan niya ‘yung role namin bilang producers, so naharap niya ‘yung ganu’ng sitwasyon kaya walang nangyaring selosan.

“Pero siyempre, sa unang taon ng marriage namin normal ‘yung maraming tanong, maraming nangyayari. Kasi ako, eh, ayoko ng away na matagal. Right away, nagso-sorry ako. Nagsasabi ko ng kung anong puwede kong baguhin sa sarili ko. Inaayos agad namin kung ano man ang ugat ng problema. Kaya ang tagal na naming mag-asawa, na walang masyadong intriga in 24 years.”

So there. Parang sinabi na rin ni dobol R na walang mangyayaring Exit Point sa kanila ni Maris bilang mag-asawa. And in pernes naman, up close and personal ay maganda pa rin si Maris na tipong hindi naman nagbago ang ganda ng mukha, at ganu’n din naman si Ronnie Ricketts. Guwaping pa rin with matching magandang pangangatawan na talagang puwedeng-puwede pa sa mga action films, sa true lang.

So don’t forget, Exit Point sa Feb. 20 in theaters nationwide, and heard may premiere night ito this coming Feb. 17, ayon sa PR man ng movie productions nina Ronnie at Maris na si friendship Shalala Reyes.

-MERCY LEJARDE