MATAGAL na palang dream ng mahusay na aktres na si Gladys Reyes na makapag-share siya ng nalalaman niya sa acting. Isa na rito kung paano ginagawa nilang mga artista ang mga pisikalan na eksena, tulad ng pananampal.
Pero dahil lagi rin naman siyang busy, lalo ngayon na mayroon siyang political romantic-comedy series na TODA One I Love hindi ito mahanapan ni Gladys ng oras.
Until nakatanggap siya ng imbitasyon muna sa De La Salle University (DLSU), na nag-imbita sa kanyang mag-guest sa acting workshop ng unibersidad.
“Noong una nag-isip pa ako kung totoo, kaya ipinatanong ko muna sa sister ko kung totoo iyong imbitasyon,” sabi ni Gladys.
“Nang malaman kong totoo, tinanggap ko at nakakatuwa dahil marami palang interesado sa kanila. At doon sa acting na may sampalan, maraming ayaw ng pekeng sampal, gusto raw nilang maranasan iyon.
“Sa mga nag-attend ng workshop, I had so much fun with you guys on our acting workshop! Thank you for having me De La Salle University!!”
May mga kapwa celebrities na nagkomento sa nasabing post ni Gladys ng litrato niya kasama ang mga estudyante ng DLSU.
“Ate sayang ‘di mo sinabi dyan ako nag-aaral, papaturo din sana ako,” sabi ni Juancho Trivino.
Sagot ni Gladys: “@juanchotrivino haha! Tayong dalawa sana nag-facilitate.”
Nagkomento rin at nagpaabot ng pasasalamat kay Gladys ang mga estudyanteng naturuan niya sa workshop.
Sabi ni @r.aepunzel: “Thank you po for the once in a lifetime opportunity.” Komento ni @ viannnedruda: “Thank you so much Ms. Gladys! It has been an honor.”
Mensahe ni @anngelicake kay Gladys: “Thank you so much Ms. Gladys! We truly had a great time with you.”
Nagpasalamat naman sa natamong sampal si @bbqrhodz: “Thank you so much po for the experience!! Pati sa slap hehehe”
Sumegunda rin si @elle.chua.3538: “You’re amazing.”
Sabi ni @sjctrags: “Swe r t e n i l a , panalo.”
-Nora V. Calderon