SA murang edad ay sasabak na agad sa pagnenegosyo ang dalawang cutest duo na sina Kikay at Mikay na sila rin ang magiging product endorsers.

Kikay at Mikay

May kinalaman sa printing at design ang papasukin nilang negosyo at sisikapin nila na habang lumalaki sila ay papalaki rin nang papalaki ang negosyong sisimulan nila this year.

Bukod diyan ay napili rin silang bagong endorsers ng Must Better Krispy mushroom na pagmamay-ari ng isang negosyanteng Chinese. Nauna na silang naging endorsers ng Erase soap tapos kinuha rin sila bilang model ng Hand Sanitizer ng CN Halimuyak Pilipinas.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tampok uli sa pangalawang season ng Bee Happy Go Lucky sina Kikay at Mikay na napapanood tuwing Friday from 7pm to 7:30pm, bilang mga kid hosts under Smac TV Production na airing na sa Feb 22 sa IBC13. Kaya naman laking pasasalamat nila sa mga biyayang natatanggap sa murang edad pa lamang.

Abangan din natin ang bago nilang movie na as of now ay hindi pa puwedeng sabihin ang title. Sa Feb. 15 ay nasa Sto. Nino Catholic Parochial School, Bago Bantay, QC sila para mag-perform sa foundation week ng nasabing eskuwelahan.

Go go go! At good luck pa more sa inyong gumagandang showbiz career, Kikay at Mikay!

-MERCY LEJARDE