NAKAKATUWA ang kulitan sa taping nina Angelika dela Cruz at Therese Malvar sa taping ng Kapuso Afternoon Prime series na Inagaw Na Bituin, kaya nakaka-good vibes pati na rin sa iba pang kasamahan nila sa cast at production staff.

Angelika & Therese copy

And take note, hindi na raw makatulog sa kaba at excitement ang Kapuso teen star na si Therese dahil sa nalalapit na pag-uumpisa ng Inagaw na Bituin, na pinagbibidahan ni Kyline Alcantara.

Kaya naman todo-post na si Teri ng snippets ng kanilang programa sa kanyang social media account.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Isa nga sa mga agaw-pansin dito ay ang BTS photo niya kasama ang Kapuso stars na sina Angelika at Patricia Tumulak, na madalas niyang makakaeksena sa programa.

Halatang kumportable na sila sa isa’t isa, lalo na sa mga poses na ginagawa nila. Pero kung sa social media ay mayroon silang angelic faces, paanong pagtataray kaya ang gagawin nila sa programa?

Balita kasi namin na sila na raw ang susunod na kaiinisan ng viewers bilang mga kontrabida sa serye. Hmm, maagaw kaya nila ang bituin ng pagtataray na achieved na achieved ni Cherrie Gil sa seryeng Onanay?

Well, abangan ‘yan dahil mapapanood na sa Lunes, Pebrero 11, sa GMA Afternoon Prime ang Inagaw Na Bituin, na for sure maraming Kapuso televiewers na naman ang tututok habang nagmemeryenda on the side.

-MERCY LEJARDE