OPISYAL nang binuksan nitong Huwebes ang pinakamalaking travel fair sa Pilipinas, sa pagsasama-sama ng mga pangunahing sektor sa SMX Connvention Center.

Ngayong taon, tampok sa tatlong araw na 26th Travel Tour Expo (TTE) ang mahigit 400 travel at tourism related activities, kabilang ang walong national tourism organization (NTO)—Guam Visitors Bureau, Hong Kong Tourism Board, Japan National Tourism Organization, Korea Tourism Organization, Singapore Tourism Organization, Taiwan Tourism Bureau, Tokyo Convention and Visitors Bureau, at ang tourism Authority of Thailand.

Bukas ang expo para sa publiko simula Pebrero 8 hanggang 10.

Sa pahayag ni TTE organizing committee chairperson, Marlene Dado Jante, maaaring asahan ng mga bisita ang eksklusibong mga tour packages na magiging available lamang sa expo at maging mga pagkain “that could rival the best food parks in the country.”

Night Owl

Bakit Dapat Tumanggi ang Pilipinas sa Online na Pagboto

Ipinagmalaki naman ni Philippine Travel Agencies Association (PTAA) president, Ritchie Tuaño na tanging ang TTE ang expo na nakakapuno ng lahat ng mga palapag sa SMX Convention, na pinakamalaking private venue.

“We’re the only travel expo that fills it up, and there are a lot more on the waiting list that we cannot accommodate,” pagbabahagi niya sa mga mamamahayag.

Ayon kay Tuaño, nagsisilbing ang TTE bilang isang one-stop shop para sa paglalakbay, katulad ng airfare, akomodasyon, mga packages.

“In here, all the airlines, tour operators, and hotels, they really slash their rates to make it more affordable from 50 (percent) to 70 percent, depending on which category,” aniya.

“At the Travel Tour Expo, even as they push their respective businesses, they also work together to provide the public with the best opportunity to travel to any destination in the world,” dagdag pa ni Tuaño.

Binigyang-diin din niya ang malaking tulong na naidudulot ng event sa pagpapalakas ng turismo sa Pilipinas sa nakalipas na 26 na taon, partikular sa lokal na turismo.

Noong 2018, nakapagtala ang Pilipinas ng 7.13 milyong international arrivals habang ang domestic travel ay pumalo sa 100 milyon—kapwa pinakamalaking tala.

Kumpiyansa naman si Senator Nancy Binay, pinuno ng Senate Committee on Tourism, na kayang higitan ng PTAA ang 135,000 kataong target para sa 2019 TTE.

Para kay Binay, ang mga travel fair, katulad ng Travel Tour and Expo, ay dapat na maging daan upang mas maging abot-kaya, madaling puntahan ng mga turista ang mga destinasyon sa Pilipinas.

“This is how we can bridge the sustainable growth of rural communities, provide our countrymen jobs, and help lift our fellow citizens from poverty,” aniya.

PNA