TATAPUSIN lang ni ex-Senator Bong Revilla, Jr. ang halalan sa Mayo at saka siya babalik sa telebisyon at pelikula. Ito ang kinumpirma niya sa ginanap na pa-lunch niya at selebrasyon para sa Chinese New Year para sa mga kaibigan sa entertainment press/ bloggers at online writers.
“Opo, tatapusin lang natin ang halalan then, balik-telebisyon at paggawa na ng pelikula. Iyan po talaga ang first love ko as I’ve said. Hindi ko po kayo tatalikuran at pipilitin po natin kapag naibalik tayo sa senado, ibaba natin ang bayad sa sinehan para maka-afford po kayong manood ng mga pelikulang Pilipino na nakikita nating bumababa na. Kailangan nating buhayin ang pelikulang Pilipino. ‘Yan po ang isa sa purpose ng aking pagbabalik,” ito ang pagsisiguro ni Bong.
Natanong kung ano ang concept o plano niyang gawin sa pagbalik niya sa telebisyon.
“Abangan na lang nila at tinitingnan ko pa ang mga offer kung ano ang babagay sa akin at kung kaya pa ng katawan natin, although malakas-lakas pa naman,” sambit ng nagbabalik na aktor.
H i n d i naman itinanggi ni Bong na kailangan niyang mag-work out ulit dahil simula nang makalabas siya ng kulungan ay naging abala na siya sa paglilibot sa iba’t ibang probinsya para maabot ang mga kababayan.
“Kapag may libreng oras, doon lang ako nakakapag-work out,” sabi pa.
Hindi pa sinabi ng aktor kung anong network ang nag-o-offer sa kanya, ang sabi lang niya ay nag-expire na ang kontrata niya sa GMA 7.
Bukod sa Alyas Pogi movie na gagawin ni Bong ay pagpa-planuhan na rin nila ang pelikulang isasali nila sa 2019 Metro Manila Film Festival.
Sa tanong kung puwede silang magsama ni Vice Ganda sa pelikula, sagot niya, “depende kung kailangan niya ng leading man na katulad ko, ha, ha, ha,” natawang sagot nito.
Anyway, dahil sa pagka-miss ng dating senador sa showbiz ay nakagawa siya ng apat hanggang limang script habang nasa loob siya ng PNP Custodial Center sa loob ng apat na taon at anim na buwan.
Depende pa kung ano ang uunahin niyang gawan ng pelikula, “depende kung anong nauusong pelikula ngayon, basta at least may mga ready na akong ginawa sa loob,” saad ni Bong.
May mga naiisip na raw na leading lady si Bong sa mga pelikulang gagawin niya at nababagay, pero hindi pa niya inaalok dahil ang konsentrasyon niya ngayon ay ang nalalapit na halalan.
Speaking of halalan, kapansin-pansin na hindi pa napapanood si Bong na mag-guest sa mga programa sa telebisyon dahil sadyang umiiwas siya dahil ang tiyak na pag-uusapan ay ang ipinupukol sa kanya.
“Maraming nag-iimbita sa akin sa iba’t ibang channel, marami na sigurong nagtatampo na hindi ako um-attend ng debate kasi ayokong mahainan ng mga ganyan na nakakasakit na. Sobra na po ‘yung inabot ng pamilya ko na panglalait. Ang tagal na po namin nagdusa,” katwiran ng aktor.
Samantala, kasama ni Bong na nagdiwang ng Chinese New Year sa media ang mga kapatid niyang kumakandidatong Mayor sa Antipolo City na si Andeng Ynares, 3rd timer Councilwoman ng Bacoor, Cavite na si Rowena Bautista-Mendiola at mga pamangkin.
-REGGEE BONOAN