HALOS isang taong nag-detach sa showbiz industry ang talent manager na si Jojie Dingcong, dahil marami siyang inaasikaso sa bayan niya sa Bacolod City kung saan nagtayo siya ng mga negosyo.

Scarlett

“Small businesses lang, Reggee, para may pinagkakaabalahan ako bukod sa showbiz. Alam mo naman hindi stable ang showbiz. But I’m not retiring, huh? Naging busy lang talaga ako kaya madalas ako sa province,” bungad na kuwento ng manager ni Derek Ramsay nang makatsikahan namin kamakailan.

Speaking of Derek, inamin na ni Jojie na sa GMA 7 pipirma ang aktor isa sa mga araw na ito, at kasalukuyang inaayos lang ang kontrata.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Maganda ang offer ng GMA 7 kay Derek, kaya nagustuhan ito ng aktor. Gagawa rin siya ng pelikula, dahil bubuhayin na ulit ang GMA Films.

Samantala, tuwang-tuwa si Jojie sa pinakabatang alaga niyang si Scarlet Snow Belo, dahil pinarangalan ito kamakailan bilang pinakabatang People’s Choice awardee.

Ang cute na pasasalamat ng bagets: “Good morning, Peoples! I just want to share that last night I received my very first real special award called the People Choice Award. Thank you so much @peopleasia and for everyone who voted for me. I love you all and I hope I can bring more happiness to you as I get older! #PeopleoftheYear2019.”

Kung hindi kami nagkakamali ay kabilang din si Jojie sa mga ibinoto para sa nasabing parangal.

“Sobrang napapasaya ako ni Scarlet, Reggee. Kapag stress ako, pinupuntahan ko siya at kapag nakita ko, nawawala na lahat,” saad ng family friend ng Belo family.

Ang cute nga ng video nina Scarlet at Jojie, na sinabihan siya ng una: “You’re the only Nining (Ninong) that I like and there’s no other Nining before you.”

Ang caption ni Jojie sa video nila ni Scarlet: “Why I love her, she makes my heart sing! @scarletsnowbelo #MyLifeWithScarlet#scarletsnowbelokho #scarletsnowbelo.”

-Reggee Bonoan