MAHUSAY pumili si Piolo Pascual ng kompanya at produktong tutulungan niya para lalo pang mapakilala sa market.
Sa pagpasok ng taon, inilunsad siya bilang celebrity endorser ng Potato Giant ng batambata pang owners na sina John Jeric Cantillon at Erica Brenner kasama ang legal counsel ng company na si Atty. Kevin Hernandez, sa isang sosyal na event sa McKinley Hill Clubhouse.
Admirable ang vision at advocacy ng Potato Giant. Hindi sila nag-aangkat ng kanilang supplies sa ibang bansa, bagkus ay direkta silang bumibili sa mga Pilipinong magsasaka.
Hindi lang ‘yan, tinutulungan nilang mabuo at iorganisa ang Philippine Potato Farming Industry. Hindi sila katulad ng ibang negosyo na walang malasakit sa pinanggagalingan ng kanilang raw materials. Sa halip, layunin nilang makasabay sa pag-angat ng kanilang business venture ang buhay ng mga nagtatanim ng patatas.“Because here in Potato Giant, we’re more than just fries” ang kanilang butterfly.
Dating accounting professor sa De La Salle University si John Jeric na nagsimula sa isang cart ng Potato Giant sa isang food court sa Taft Avenue.Nagsimula sa maliit at naniwala sa kanyang pangarap na mapalaki ito. Sa ngayon, mahigit 200 na ang kanilang outlet sa buong Pilipinas.
Success story ang Potato Giant, tulad din naman ni Piolo na nang mainterbyu namin sa naturang launching ay nagpahayag na hindi na muna niya maaasikaso ang kanyang acting career. Busy na siya sa kanyang film production company na pinagsososyohan nila nina Erickson Raymundo at Direk Joyce Bernal. Tulad niya, tumigil na rin sa pagtuturo si John Jeric na concentrated na ngayon sa Potato Giant.
Sa listahan ng potential endorsers, agad nagkasundo ang business owners kay Piolo.
Sa katunayan, ayon kay Erica, si Piolo lang ang kilala niya sa mga pinagpilian. Pilyang dagdag pa niya, bukod sa mahusay na artista, mabait at super sikat, yummy pa.
Decided na si Piolo na hindi na muna siya gagawa ng TV series, happy na siya sa weekly stint niya sa ASAP lalo na’t nakaka-bonding niya sa show ang kanyang unico hijo na si Iñigo.
Kung may tatanggapin mang acting job, weekly series na rin lang ang gusto niya.Matatag na ang estado ni Piolo sa showbiz bilang aktor, wala nang dapat pang patunayan. Bilang producer, marami pa siyang pinapangarap. Tulad ng Potato Giant, nire-revolutionize din niya ang film production.
Kailangan lang pagmasdan ang kanyang dedikasyon kung magtatagumpay din ba siya bilang producer.
-DINDO M. BALARES