SUMUNOD si Matteo Guidicelli kay Xian Lim na umalis sa Star Magic at lumipat sa Viva Artists Agency. Dahil dito, malaki na ang chance na magkasama sa pelikula at concert sina Matteo at girlfriend niyang si Sarah Geronimo dahil pareho na sila ng management.

Matteo copy

Wala pang pahayag si Matteo sa paglipat niya sa VAA, ang handler niya sa Star Magic ang nag-post ng “Just here @matteoguidicelli as always will surely miss you here your calls na laging “kamusta” ang simula at tatawag lang randomly just to check if okay ka, I’ll be around lang.”

Sinabi naman nina Angelica Panganiban, Ria Atayde at Kapamilya fans na mamimiss nila si Matteo.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Sigurado namang sa shows ng ABS-CBN pa rin mapapanood si Matteo dahil sa network lumalabas ang talents ng VAA. Ang gusto naming malaman ay kung co-manager pa rin si Joji Dingcong ni Matteo.

-NITZ MIRALLES