PRAGUE, Czech Republic – Mainit ang mga kamao sa malamig na klima ang ipinadama ni national boxer Eumir Felix Marcial tungo sa third round RSC (Referee Stopped Contest) victory kontra sa hometown boy Milos Bartl sa Europe vs Asia Boxing Tournament nitong weekend sa Prague Hilton.

boxing

Habang napupuno ng nyebe ang kapaligiran bunsod ng zero degrees na panahon, tila kumukulo ang dugo ng pambato ng Zamboanga sa kanyang karibal sa middleweight (75 kg) match para maitala ang magkasunod na pagpapatumba sa crowd favorite, sapat para itigil ni referee Tomas Smid ang laban sa kabila ng protesta ng kampo ng Czech boxer.

Tinangap ni Marcial ang handcrafted trophy na gawa sa kristel at pamosong glass artisan ng Prague.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

“Hinbdi pa po masyadong kondisyon dahil galing pa sa mahabang bakasyon,” sambit ni Marcial. “Konti rin ang sparring ko kasi wala akong katimbang sa team.”

Ayon kay ABAP secretary-general Ed Picson, nakatakda nilang sanayin sa abroad ang dating World Junior champion (2011) at two-time SEA Games gold medalist at bronze winner sa Asian Games upang higit pang mapataas ang kalidad ng talento.

Iginiit naman ni head coach Ronald Chavez, gold medalist sa torneo noong 1994, na malaki pa ang kailangang ayusin sa timing at stamina ni Marcial.

“Konti pang conditioning at sparring, makukuha na ni Eumir yong dati niyang lakas at diskarte. Masipag at disiplinadong bata kasi yan,” pahayag ng 1992 Barcelona Olympics veteran.