MULING naibalik ng dating Secretary General ng Philippine Cycling Federation (Philcycling) Armando Bautista sa tulong ng ABJR Events and Talent Management Services ang track cycling event na pinamagatang Karerang Pinoy “The Revival of Track Cycling” na papadyak sa Pebrero 17-24 para sa unang yugto at Marso 3 sa championship round sa Cavite State University (CAVSU) Track Oval sa Indang, Cavite.

MULING binuhay ni Manding Bautista (kaliwa) ang track cycling.

MULING binuhay ni Manding Bautista (kaliwa) ang track cycling.

Ang torneo ay itinataguyod din ni CAVSU President Dr. Hernando Robles.

Sa nagdaang tatlong decada, ang Track Cycling ay nakatulong sa mga kabataang magkaroon ng scholarship sa iba’t ibang unibersidad tulad nila Atty. Cornelio Padilla Olympian ng FEU, Ben Evangelista Olympian ng UE, sa FEATI na sina Maximo Junta, Jr. Olympian, Roberto Querimit Asian Games Medalist, Carlos Anitinor Asian Games Medalist, sa ADAMSON na si Rodrigo Arzadon - Asian Games Medalist, PUP - Rolan Ocampo Scholar and TUP Arcenio Tado Scholar, ang di malilimutang 7-time Track Oval King, Manolito Moring at marami pang iba.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“Sa panahon ngayon, ang lahat ay naka-focus sa mountain biking at road racing kaya’t tuluyang nakalimutan ang track cycling event kung saan mayroong siyam na medalyang pinaglalabanan sa international competition tulad ng Asian Games, SeaGames and Olympics, ngunit wala nang nagaganap na kompetisyon dito sa Pilipinas, kaya’t nais naming maibalik ang nawalang kinang ng Philippine Cycling,” pahayag ni Bautista.

“Nakita ko rin na dapat mabigyan ng proteksyon sa daan ang mga siklista sa pamamagitan ng pagbibigay ng insurance sa kanila, together let us make history,” aniya.

Maging bahagi ng makasaysayang event na ito, sa mga nagnanais na sumali tumawag or magtext sa mga numerong: 09165577796/ 09239393321/ 09774015591 or magsend ng email sa [email protected]