Ipinagharap ng kasong pandarambong sa Office of the Sandiganbayan si South Cotabato 2nd District Rep. Ledesma Hernandez at 10 na iba pa kaugnay ng umano’y pagbibigay ng kontratang aabot sa P860 milyon sa isang kumpanya para sa pagsu-supply ng relief items, noong 2015.
Iniharap ni Atty. Bertini Causing ang 12 pahinang complaint affidavit nito na isinampa nito sa anti-graft agency laban kay Hernandez, Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 12 director Bai Zorahayda Taha, DSWD-Region 12 accountant Rohaifa Calandaba, Jackie Llao (chairman ng bids and awards committee (BAC); BAC vice-chairman Emerita Dizon, at BAC provincial member Mohamad Fayez Sarip.
Kasama rin sa nahaharap sa kasong plunder ang mga may-ari ng
Tacurong Fitmart Incorporated na sina Maria Virginia Villaruel, Derrick Villaruel, Deangelo Villaruel, Dexter Villaruel, Ramona Ong.
Nagsabwatan aniya ang mga ito upang i-award ang pitong kontrata sa naturang kumpanya na nag-supply umano ng overprice na food packs.
Si Villaruel na isa sa may-ari ng kumpanya ay kapatid umano ng kongresista, ayon kay Causing.
Ayon kay Causing, binayaran umano ng secretary ni Hernandez ang mga trabahador sa pagbabalot ng mga food pack.
Isinagawa aniya ang pagre-repack ng mga nasabing pagkain sa mismong opisina ni Hernandez sa Barangay Sta. Cruz, Koronadal City.
Ikinatwiran pa ni Causing, ang kanyang reklamo ay ibinatay nito investigation repport ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) kung saan tinukoy ng pitong supply contracts ang nakuha ng kumpanya sa DSWD field office Region 12.
-Chito A. Chavez