May 28, 2026

Home BALITA Probinsya

Kanlaon, bumuga ng abong aabot sa 1.2km ang taas

Kanlaon, bumuga ng abong aabot sa 1.2km ang taas
Photo courtesy: PHIVOLCS/FB


Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Huwebes, Mayo 28, ang isang aktibong kaganapang naganap sa Bulkang Kanlaon.

Batay sa sped-up camera footage na makikita sa Facebook page ng PHIVOLCS, namataang bumuga ang naturang bulkan ng grayish ash plumes na nagsimula nito lamang 6:00 ng umaga.

Aabot sa 1200 metro mula sa crater ng Kanlaon ang taas ng ibinugang abo nito.

Nananatili sa Alert Level 2 ang nasabing bulkan.

Samantala, sa mga kaugnay na ulat, iniulat naman ng ahensya na nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon sa Albay, habang nasa Alert Level 1 naman ngayon ang Bulkang Taal sa Batangas.

Probinsya

Mga nasawi sa pagguho sa Pampanga, umakyat na sa 5; nawawala, nasa 16 pa!