Sinuspinde na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng isang tourist bus company na sangkot sa trahedya sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) sa Concepcion, Tarlac, na ikinasawi ng limang katao, nitong Huwebes ng umaga.

Sa pahayag ng LTFRB, nagpalabas na sila ng preventive suspension order laban sa Jumbo Transport, Inc. kasunod na rin ng nasabing insidente.

Sa rekord ng ahensya, binigyan nila ng tourist bus franchise ang nasabing bus na naaksidente, noong Hulyo 5, 2016 at mag-e-expire sana ito sa Disyembre 10, 2021.

Sa pahayag pa ng LTFRB, gumagawa na sila ng paraan upang matulungan agad ang mga biktima ng aksidente.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

"The insurance company initially released P400,000 to cover insurance assistance of victims pending verification of all claims," pahayag pa ng ahensya.

-Alexandria Dennise San Juan