BUTUAN CITY – Nakaalerto na ang Caraga Regional Regional Veterinary Quarantine Office (CRVQO) ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) upang mapigilan ang pagpasok African Swine Fever (ASF) virus sa rehiyon.

Nilinaw ni CRVQO officer Dr. Dale Franco Llentic, nakikipag-usap na sila sa Bureau of Customs (BoC) upang hilinging payagan ang mga tauhan ng CRVQO na magbantay sa x-ray area upang hindi makalusot ang mga karne ng baboy at iba pang produkto nito na inangkat sa anim na bansang apektado ng virus na kinabibilangan ng Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine at China.

Ipinaliwanag ni Llentic, kapag tinamaan ng nasabing sakit ang isang baboy ay mamamatay ito sa loob ng 10 araw.

Mahahawaan din aniya ng virus ang kawan nito sa loob lamang ng ilang araw.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Ayon kay Llentic, kabilang sa sintomas nito ang mataas na lagnat, panghihina, at walang gana sa pagkain.

Bukod aniya sa pamumula ng balat, mangingitim din ang mga sugat ng baboy, lalo na sa buntot, tainga at binti nito.

Kaugnay nito, pinawi rin ni Llentic ang pangamba ng publiko dahil hindi naman mahahawaan ng virus ang tao.

“We are strictly implementing footbath on points of entry here in Caraga region as well as the hanging of streamers to raise awareness of the public on the said disease,” ayon pa kay Llentic.

-Mike U. Crismundo